Economics:
BANAHAW: Ang Makasaysayang Bundok
Ang bundok banahaw, isang tunay na maipagmamalaking bundok na matatagpuan sa Dolores, Quezon. Hindi lamang ito nagsisilbing puntahan ng mga deboto ngunit bilang isang tirahan rin ng lipon ng mga tao na kung tawagi'y mga "Rizalista". Ang mga Rizalista ay may di pangkaraniwang paniniwala, hindi tulad nating mga kristiyano na naniniwala kay Hesus bilang Messiah, sila naman ay naniniwalang si Jose Rizal ang kumakatawan sa muling pagkabuhay ni Hesus kaya't ganoon na lamang ang respeto nila sa kanya.
Ang mga Rizalista ay nagbuklod-buklod at nagtayo ng iba't-ibang pamayanan sa paligid ng Banahaw, isa sa aming napuntahan ay ang Ciudad Mistica de Dios. Sa loob ng pamayanang ito matatagpuan ang isang di pangkaraniwang klase ng simbahan, sapagkat sa loob nito'y, imbis na si Hesus ang makikita natin si Jose Rizal ang sentro nito. Kakikitaan din ito ng isang kamangha-manghang kaalaman tungkol sa kanila, dito mayroon silang ibang grupo ng mga disipulong pinaniniwalaan nilang naging katulong ni Jose Rizal. (Ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, atbp.)
Ayon naman sa aming mga nakalap na impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Ciudad Mistica de Dios, ito raw ay itinaguyod ni Maria Bernarda Balitaan noong 1873. Bilang pagbibigay pugay sa lahat ng ginawa ni Maria Bernarda Balitaan, itinuring na siyang isang santo ng mga namamalagi sa Ciudad Mistica de Dios. Halos lahat ng namumuno sa Ciudad Mistica de Dios ay mga kababaihan.
Ang mga mamamayan ng Banahaw ay may simpleng klase ng pamumuhay lamang, mula sa paggabay sa mga turistang nais umakyat ng bundok pagbebenta ng mga souvenir hanggang sa mga pangkaraniwang uri ng pamumuhay sa isang nayon/probinsya kung saan ang mga tao'y nagtatanim ng iba't-ibang mga gulay, prutas at palay. Nakatutuwang malaman na kahit ganoon lamang ang kanilang pamumuhay sila ay palaging masaya at payapang namamalagi sa bundok Banahaw at patuloy itong pinangangalagaan.
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento